Tuesday, April 7, 2015

HELP NEEDED BADLY !!!

 
There is a battle within me kung alin sa dalawa ang bibilhin. The 2015 Mitsubishi Mirage G4 - GLX or the Kia Picanto (and I forgot kung anong model).  Here's the story.

Ang Kia Picanto sa may Pasong Tamo, Makati nag ooffer ng 19K downpayment at 11,500++ monthly for 60 months.  Quite a deal for me really, considering na 19K lang ilalabas ko - kayang kayang syempre.  So, yun na nga, pirma agad application for approval ng bank - go! Malalaman ang result after a week - kasi weekend ako nagpunta, tapos maghholy-week na.

Bago magpunta sa Kia, sumaglit muna ako sa Citimotors sa Pasong Tamo rin.  Technically, nasa likod lang ng Citimotors and Kia.  Dun naman nagpresent si JP ng Mirage Hatchback - na nagustuhan ko naman - pero nung makita ko ang sedan na G4, namuo agad ang heart sa mata ko.  At 33K downpayment at 11,900++ for 60 mos - mejo not bad na rin.  GLX model ang natipuhan ko kasi yun naman ang mejo swak lang sa budget.  So, pirma din ako gn application para sa bank.

Eto na nga - kanina lang, Tuesday, April 7, 2015, sinabi sa akin ni Kia agent na approved ako sa East West bank. Pak na Pak!!! Kahapon lang, tumawag ang bangko na pinagreferan ni Citimotors - so, wala pang result in other words.  Nauna si Kia.  Pero, yun nga, sa pagiisip ko, parang mas sulit na ako sa Mitsubishi kesa Kia. Kia has 1.0 engine, G4 has a 1.2 na engine.  Di hamak mas malaki tingnan si G4, at mas maangas tingnan.  So, to complicate things, tinawagan ko si Mitsubishi agent - at nagtanong if pwede ipalipat ang approval ko from Kia to Mitsubishi.

Pak na pak ulet ang sagot. Pwede daw, email lang daw ako letter then pwede na itransfer.  Go naman ako.  Email keme keme. 

Nung pagkagising ko sa gabi para magwork, yun na - nagtext na si Kia agent - at dun na nagsimula ang problema.  Nakakaawa naman kasi ang text niya.  Sabi ginawa daw nya ang lahat para ma approve tapos natransfer lang daw.  Ano daw ba ginawa nyang mali.

Nadurog ang puso ko, sa totoo lang.  Oo nga naman at siya ang mas mabilis na mag asikaso ng benta, ng customer at approval- tapos parang binale wala ko lang yun lahat dahil pinalipat ko sa Mitsubishi.  On the other hand, nasa puso at isip ko ang advantage ng Mitsubishi dahil mas gusto ko siya kesa Kia.  Besides, lahat ng mekaniko na pinagtanungan ko, inayawan ang Kia - kasi mahirap sa parts - if not mahirap, matagal i-order ang parts.

Ano ang paiiralin ko habang wala pa akong binibitawang pera?!

Hay.

No comments:

Post a Comment