Showing posts with label mitsubishi. Show all posts
Showing posts with label mitsubishi. Show all posts

Wednesday, April 8, 2015

HELP NEEDED BADLY !!! Update

Ayun na nga ... update lang sa previous story ... 
Nagttext na si Kia Agent. Sabi niya, ano daw ba ang ginawa niyang mali at nagcancel ako (sa pagkuha ng Picanto) at nagpalipat ng approval sa Mitsubishi...
Sagot ko naman:
Kasi di mo sinabi mahirap ang after-sales service ng Kia.  Kasi di mo sinabi na mejo mahirap ang parts ng Kia.  Kasi pinagalitan ako ng Mom at Dad ko bakit Picanto kukunin ko e mas maganda daw ang Mitsubishi.
Syempre echos lang yun.
Pahabol pa ni Kia Agent - mappenalize daw sya kasi nag cancel ako.
Ano daw?
Kelan pa nagkaroon ng commitement ang pagpapaapprove ng loan sa isang car dealer?  Eh mga kausap kong ibang ahente atat na magpa fill out ng form - para magpapa approve lang daw, pero no commitment to buy - at least daw kung ma approve eh di mapagisipan na agad bumili.
Nagpapa awa ba si kuya?

Meanwhile - pinuntahan ko ang Citimotors ulet kanina at sinilip ang Gray na Mirage G4 (manual).  Natuwa naman ako - lalo na pwede itaas ang upuan.  Sa punggok kong ito, ang panget naman papatungan ko pa ng unan (or worse - stool) ang driver's seat.
Since pupunta ng Singapore ang aking Mitsubishi agent bukas, sa Wednesday ko na iaabot ang downpayment and go go go na.  At least may ample time pa ako to think about buying it.... syempre mahirap na ang budget!

Excited.

Si kuya Kia - ewan ko lang pero parang nawawala ang awa ko sa kanya. Trabaho nya yun eh - at ganyan talaga pag may competition between dealers and the cars you sell.  Mejo nainis lang ako sa parang paawa epek niya na magbabayad daw siya ng penalty.  Hmpf.
 

Tuesday, April 7, 2015

HELP NEEDED BADLY !!!

 
There is a battle within me kung alin sa dalawa ang bibilhin. The 2015 Mitsubishi Mirage G4 - GLX or the Kia Picanto (and I forgot kung anong model).  Here's the story.

Ang Kia Picanto sa may Pasong Tamo, Makati nag ooffer ng 19K downpayment at 11,500++ monthly for 60 months.  Quite a deal for me really, considering na 19K lang ilalabas ko - kayang kayang syempre.  So, yun na nga, pirma agad application for approval ng bank - go! Malalaman ang result after a week - kasi weekend ako nagpunta, tapos maghholy-week na.

Bago magpunta sa Kia, sumaglit muna ako sa Citimotors sa Pasong Tamo rin.  Technically, nasa likod lang ng Citimotors and Kia.  Dun naman nagpresent si JP ng Mirage Hatchback - na nagustuhan ko naman - pero nung makita ko ang sedan na G4, namuo agad ang heart sa mata ko.  At 33K downpayment at 11,900++ for 60 mos - mejo not bad na rin.  GLX model ang natipuhan ko kasi yun naman ang mejo swak lang sa budget.  So, pirma din ako gn application para sa bank.

Eto na nga - kanina lang, Tuesday, April 7, 2015, sinabi sa akin ni Kia agent na approved ako sa East West bank. Pak na Pak!!! Kahapon lang, tumawag ang bangko na pinagreferan ni Citimotors - so, wala pang result in other words.  Nauna si Kia.  Pero, yun nga, sa pagiisip ko, parang mas sulit na ako sa Mitsubishi kesa Kia. Kia has 1.0 engine, G4 has a 1.2 na engine.  Di hamak mas malaki tingnan si G4, at mas maangas tingnan.  So, to complicate things, tinawagan ko si Mitsubishi agent - at nagtanong if pwede ipalipat ang approval ko from Kia to Mitsubishi.

Pak na pak ulet ang sagot. Pwede daw, email lang daw ako letter then pwede na itransfer.  Go naman ako.  Email keme keme. 

Nung pagkagising ko sa gabi para magwork, yun na - nagtext na si Kia agent - at dun na nagsimula ang problema.  Nakakaawa naman kasi ang text niya.  Sabi ginawa daw nya ang lahat para ma approve tapos natransfer lang daw.  Ano daw ba ginawa nyang mali.

Nadurog ang puso ko, sa totoo lang.  Oo nga naman at siya ang mas mabilis na mag asikaso ng benta, ng customer at approval- tapos parang binale wala ko lang yun lahat dahil pinalipat ko sa Mitsubishi.  On the other hand, nasa puso at isip ko ang advantage ng Mitsubishi dahil mas gusto ko siya kesa Kia.  Besides, lahat ng mekaniko na pinagtanungan ko, inayawan ang Kia - kasi mahirap sa parts - if not mahirap, matagal i-order ang parts.

Ano ang paiiralin ko habang wala pa akong binibitawang pera?!

Hay.

Wednesday, March 25, 2015

Social Climber Problem

I'm not rich yet I want a new car. 
ano nga ba ang magandang maliit na car?
sabi nila - OK daw ang Hyundai Eon.  Mura. Matipid sa gas.
Di kaya masyado naman maliit?
OK din naman sa akin ang Toyota Wigo.
Pang mayabang nga lang daw.  Di ko naman alam kung bakit.
Sabi ng mekaniko namin - mag Mitsubishi Mirage daw.
Yun ang gusto ko rin sana.  Pero - kakayanin ko bang bayaran?

Magkano nga ba budget ko?
hanggang 9K lang siguro kaya ko per month.  May binabayaran pa kasi ako.
pwede i-stretch to 10K - nothing more than that.
sigh.
Eon lang talaga yata yun.  Di ko alam.

hay.
New car.