![]() |
| Ang seksi kaya ni Josie. |
I am not a gamer - pero narinig ko na ang Tekken. Di ko nga alam sinu-sino ang mga character sa Tekken na yan. Bakit ba, di naman required na alamin yan para mabuhay. In any case, ang alam ko, may bagong character na base sa pangalan ni Jose Rizal - at ang character na yan ay si Josie Rizal.
So what?
Halu-halo na naman ang masasabi ng mga tao.
Dinudungisan daw ang pangalan ng national hero. Di daw bagay ang ganyan sa national hero. Di appropriate na gawing ganyan ang isang bayani.
Ano daw?
Hibang.
Overacting.
Siguro naman isang malaking karangalan para sa isang bansa na may character sa isang worldwide na online game na naipangalan sa isang tanyag na bayani. I just think, that naming her Josie is well thought of - dahil may kwento, may totoong tao na nabuhay sa likod ng isang character. Maaaring iba ang kasarian ni Jose Rizal kay Josie, or magkaiba ang paraan ng pakikipaglaban nilang dalawa - ngunit, subalit, datapwat, ang character ni Josie ay enough para mapukaw muli ang interes ng manlalaro or kabataang naglalaro na alamin or malaman ang tunay na character sa likod ni Josie.
![]() |
| Primary attack skills daw niya at Arnis at kickboxing. Astig! |
Besides, wala na bang ibang isyu na dapat pagtuunan ang mga opisyal at pati ba naman pangalan ng isang character ay pinagdidiskitahan?!
Tama lang yan. Malamang din naman - mapupukaw ang sense ng nationalism ng mga naglalaro ng Tekken - pag ginamit nila si Josie Rizal as character sa paglalaro - dahil - love your own ika nga.Hay.
Ewan ko na lang.
Tingin mo?


No comments:
Post a Comment