hey hey hey! sweldo day plus bonus day today - at least sa pinapasukan kong company. saya saya. daming pera ng mga tao. ang haba ng pila ng nagiisang pinakamalapit na branch ng banko.
lahat yata ng nakakasalubong ko nakangiti eh - at least dun sa mga sumahod - at lalo na sa nakatanggap ng both sahod at bonus. aba syempre, di naman bawat kinsenas may bonus eh.. sino nga ba naman ang di matutuwa di ba?!
pero - pansin ko lang....
one-day millionaire?
ewan ko ba pero parang naging batayan na ng sweldo ang starbucks. paano naman kasi, kahit alam mo namang di mahilig magkape ang tao, bigla bigla mo na lang nakikita na may hawak na starbucks pag sweldo day - tapos kung umarte kala mo araw araw umiinom ng starbucks.
#socialclimber
sigh.
bitter?
nah - di naman ako bitter dahil kelan man di ko nakahiligan ang kape. ni di nga ako marunog umorder sa starbucks eh. bigyan mo na lang ako ng pera at ibibili ko na lang ng milk tea sa serenita or sa chatime.
hmmm...
later - im sure, mejo kokonti ang tao sa cafeteria - at malamang sa malamang puno ang jollibee, mcdo, kfc sa paligid. well - palagi naman puno yun pag lunch break - pero yung mga taong usually nakikita mong nagbabaon - huh - makikita mo na kumakain sa labas. syempre - sweldo eh. tapos, later im sure isa sa mga resto jan sa may malapit na gimikan, meron at merong taga office kang makikita. again, it's sweldo day.
friday pa naman ngayon. tiyak sa weekend, may magsshopping, may lalabas at kakain sa labas, mamasyal, bibili ng bagong gamit sa bahay, manonood ng sine, magccasino atbp.
lunes.
nganga again.
#gastosmuch
buhay sweldado nga naman.

No comments:
Post a Comment