Wednesday, March 25, 2015

Of Norms and Gender

May panibagong isyu na naman sa showbiz. Makikichismis na naman tayo.  Paano ba naman kasi, isang la-Ocean Deep na actress gumawa ng eksena sa eroplano - ayan tuloy ang ending, bumalik pa ng airport ang eroplano para pababain lang siya.  Eksena di ba?!

Nahahati na naman ang opinion ng sangkatauhan sa isyu.  Syempre di na ako magpapahuli.

Ang sa akin lang ...
ang respeto ay binibigay kung marunong ka rumispeto.

Ang sa akin lang ...
ang respeto ay di lang binibigay sa tao, kung di pati sa mga rules and preferences ng mga tao.  Kung nagbayad ng upuan ang tao, siya ang rightful na uupo sa upuan.  Respeto. 

Ang hirap lang kasi sa mga artista - ginagamit ang "kasikatan" minsan para makakuha ng pabor.  Ang hirap lang kasi, dahil babae nga daw, kelangan galangin, kelangan pagbigyan at di na sinasagot o minumura.  keso kung sa kapatid na babae or sa nanay mo daw nangyari, magagalit ka rin daw etc.

Ang sa akin lang ...
Hindi naman ito usapin ng gender.  Ito ay usapin ng pagsunod sa mga alituntunin at sa mga social norms.

Sigh.

Gender equality, yan ang sigaw ng kababaihan - pero sa panahon ng kagipitan at panahon na meron silang pangangailangan, ginagamit nila ang emosyon, ang "pangaakit", ang pagiging "mahina".
Tunay nga na ang babae ay mga kalahi ni Eba.  Oo - si Eba na sanhi ng pagkakasala ni Adan.

Gusto nyo dalhin sa usaping gender di ba?! 

No comments:

Post a Comment