Una, mga mukha ng pulitiko na bumabati na mga tarp na nakasabit everywhere. Kademonyohan di ba?! The nerve na bumati at magkabit ng tarp....sa bawal pa na lugar.
Pangalawa, mga hinayupak na mga kriminal sa kalye na nababalita. Sa totoo lang, ginagalang pa nila ang araw ng fight ni Pacquiao kesa Holy Week. At least no crimes pag may laban si PacMan...kesa sangkatutak na pagnanakaw during bakasyon.
Pangatlo, mga taong nagbbwisita iglesia. Syempre bwisita iglesia. Paano ba naman di ka mabbwisit kung puro paglulumandi lang naman ang ginagawa nila - papampam sa arte kasama mga barkada, nakapekpek shorts at sangkatutak na make-up kesihodang lapot na lapot sa pawis.
Pangapat, mga nagdadasal at nagpapabasang matatanda. Patawarin ako ng panginoon but who the hell cares and listens to them?! Ginagawa na lang ba yan dahil tradisyon, panata, nakagawian? Or do they truly understand and live by what they are singing?! Goodness naman kasi, nagpapakareligious,e gayung sila naman number 1 sa chismisan at pagmumura.
Anyway, buti na lang din may Holy Week para may ling weekend ang mga nagttrabaho. Wag na umarte at sabihing kelangan maging banal ang lahaaaat ng gagawin this week... dahil, in the first place, ang pagpapakabanal wala sa araw or week...dapat araw araw.
No comments:
Post a Comment