Monday, March 30, 2015

Inspiring Story

A very inspiring story - that makes me wanna get a diploma.  I did not get to finish college and I may have many regrets about being a complete bummer in college....
I could have wasted a lot of opportunities - but, this is life.

Sinayang ko ang UP Education. Madami nangarap makapasok sa UP - ako naman, nakapasok sa gusto ko na course, sa gusto ko na campus (Diliman), nagtarantado naman. :P

Solar Good News

Summer sa Pilipinas, napakainit na nga, nagbabadya pa ang brownout.  Kung di man brownout, tataas agn singil sa kuryente.  Di ba?! Nakakabadtrip lang.
Sarap sana mag solar - I mean solar energy para tipid sa kuryente.
Bakit nga ba napakamahal ng mga solar panels?  Pasensya na di ko alam ang sagot - pero sana merong makakabasa na sasagot.
Buti pa ang Batangas may konting pag-asa sa good news na ito
...na magkakaroon isang solar farm... at sana, maipapatupad to sa buong bansa.  Sana ang tax na binabayad ko, namin, natin (ahem - sa mga nagbabayad lang ng tax ha - di kasama ang mga majijirap na reklamador na di naman nagbabayad ng tax) ay mapunta sa mga ganitong projects.

Pnoy's Lenten Message

Minsan, nakakainis ang dahilan na "Tao lang ako ..." lalo na pag ang nagsasabi ay may pinagaralan, at nakapagtapos sa isang magandang unibersidad.
Ewan ko lang, pero kayo na lang ang humusga...basta para sa aking, ang shupal ng fez niya, at nakakahiya naman sa kanya at sa kanya pa talaga galing ang panguudyok ng pagiging humble.

Demonyo Thoughts on Holy Week

Paano mo masasabing Holy ang Week mo kung ang nakikita mo mga kahayupan?!
Una, mga mukha ng pulitiko na bumabati na mga tarp na nakasabit everywhere.  Kademonyohan di ba?! The nerve na bumati at magkabit ng tarp....sa bawal pa na lugar.
Pangalawa, mga hinayupak na mga kriminal sa kalye na nababalita.  Sa totoo lang, ginagalang pa nila ang araw ng fight ni Pacquiao kesa Holy Week.  At least no crimes pag may laban si PacMan...kesa sangkatutak na pagnanakaw during bakasyon. 
Pangatlo, mga taong nagbbwisita iglesia.  Syempre bwisita iglesia.  Paano ba naman di ka mabbwisit kung puro paglulumandi lang naman ang ginagawa nila - papampam sa arte kasama mga barkada, nakapekpek shorts at sangkatutak na make-up kesihodang lapot na lapot sa pawis. 
Pangapat, mga nagdadasal at nagpapabasang matatanda. Patawarin ako ng panginoon but who the hell cares and listens to them?! Ginagawa na lang ba yan dahil tradisyon, panata, nakagawian? Or do they truly understand and live by what they are singing?!  Goodness naman kasi, nagpapakareligious,e gayung sila naman number 1 sa chismisan at pagmumura. 
Anyway, buti na lang din may Holy Week para may ling weekend ang mga nagttrabaho. Wag na umarte at sabihing kelangan maging banal ang lahaaaat ng gagawin this week... dahil, in the first place, ang pagpapakabanal wala sa araw or week...dapat araw araw.

Friday, March 27, 2015

Usapang Payday

hey hey hey!  sweldo day plus bonus day today - at least sa pinapasukan kong company. saya saya.  daming pera ng mga tao.  ang haba ng pila ng nagiisang pinakamalapit na branch ng banko. 
lahat yata ng nakakasalubong ko nakangiti eh - at least dun sa mga sumahod - at lalo na sa nakatanggap ng both sahod at bonus.  aba syempre, di naman bawat kinsenas may bonus eh.. sino nga ba naman ang di matutuwa di ba?!
pero - pansin ko lang....
pag sweldo day - andaming naka starbucks. puno na naman ang pinakamalapit na starbucks sa office.  bakit nga kaya.
one-day millionaire?
ewan ko ba pero parang naging batayan na ng sweldo ang starbucks. paano naman kasi, kahit alam mo namang di mahilig magkape ang tao, bigla bigla mo na lang nakikita na may hawak na starbucks pag sweldo day - tapos kung umarte kala mo araw araw umiinom ng starbucks.
#socialclimber
sigh.
bitter?
nah - di naman ako bitter dahil kelan man di ko nakahiligan ang kape. ni di nga ako marunog umorder sa starbucks eh. bigyan mo na lang ako ng pera at ibibili ko na lang ng milk tea sa serenita or sa chatime.
hmmm...
later - im sure, mejo kokonti ang tao sa cafeteria - at malamang sa malamang puno ang jollibee, mcdo, kfc sa paligid. well - palagi naman puno yun pag lunch break - pero yung mga taong usually nakikita mong nagbabaon - huh - makikita mo na kumakain sa labas.  syempre - sweldo eh.  tapos, later im sure isa sa mga resto jan sa may malapit na gimikan, meron at merong taga office kang makikita. again, it's sweldo day.
friday pa naman ngayon. tiyak sa weekend, may magsshopping, may lalabas at kakain sa labas, mamasyal, bibili ng bagong gamit sa bahay, manonood ng sine, magccasino atbp.
lunes.
nganga again.
#gastosmuch
buhay sweldado nga naman.

Usapang Parking

BGC parking has never been easy, that is if you wanna park somewhere really near the place where you are going.  Case in point, the open parking near where I work is just infront of our building but, there are certain days when we needed to park like a block or two away simply because there is a loooooong queue of card who wanna park. 
Sigh.

Is this a sign that a lot of people can afford to buy cars?  Is this a sign that a car is now a necessity?

Or - one can see it in a different light - that this could be a sign that most businesses prefer to consruct tall buildings than keep a peice of land for parking? 

It can be one - or it can be both. 

In any case, this is a sign that there is really a poor public transport system in this country - leading people to buy their own cars instead of queueing to get on a bus or a jeep or train.  The domino effect of this poor transport system has never been so evident - from traffic jams that last for hours, to long parking queues and high parking fee rates.

If only i own a peice of land here in BC - i would not want any other business but parking - it has become such a necessity in this area.

Thursday, March 26, 2015

Social Climber Problem 2

Sosyalang FoodTrip at Sosyalang mga resort. Yan ang binibisita niya sa palabas.
Nakaka aliw manood ng Kris TV.  Aliw na aliw ako sa mga food trip ni Tetay at para bang gusto ko puntahan lahat ng kinainan niya.

May ilang resto na alam ko ang location.  Ang iba nadadaanan ko pa.  Kaya di ako nahuhuli sa mga usapanng foodams kasama ang mga friends ko.  Siyempre pabida din minsan na knows ko saan ang resto.

Yun lang.

Di naman nakakakain doon. Hanggang tingin lang.