Friday, January 2, 2015

Pinoy Bash



 
Nagsisimula na ang Miss Universe Fever at ang sangkabaklaan ay buhay na buhay na naman!

Matapos namayagpag ang mga Reyna ng Kagandahan ng Pilipinas noong 2013, mejo hindi masyado kainitan ang naging performance ng mga ito noong 2014.  Siguro nga mahirap na magkaroon ng back-to-back na panalo sa beauty contest.  Eto nga at ang Miss Universe na lang ang huling hoorah kaya all out na ang suporta ng mga bakla.

Nakakairita lang minsan na OA na sa pagsuporta ang mga bakla, to the point na nangba-bash na ng mga kalaban.  Napakaraming name-calling sa mga kalaban ni MJ - lalo na inaaway ang kapwa naman sanang Asyano na Thailand at Indonesia.  Napakarumi na tingnan ang imahe ng mga fans ng bawat bansa pagdating sa beauty contest.   Kung iisipin mo nga naman, hindi naman magbabatuhan ng mga masasamang salita ang bawat kampo kung walang nagpasimula.  I'm not saying Pinoy ang nagpasimula, pero kung patuloy na gagatungan ng ilang baklang parang walang pinagaralan ang pambabastos, kasiraan din ng buong lahi ang ginawa nila.

Walang masama sa pagiging nationalistic at sa pagsuporta sa sariling kandidata, pero kung OA naman at nakaka apekto na sa imahe ng sangkabaklaan ng Pilipinas, aba, teka lang, dahan dahan naman.

Ang mga usual na binabash - Thailand at Indonesia, ay ating mga kapatid sa ASEAN.  Sila ay kapwa Asyano.  Nararapat lamang siguro na ikakatuwa natin ang magiging tagumpay ng mga ito sa patimpalak ng pagandahan.  I think the next best thing after being nationalistic is to be regionalistic.  Para bang, kampi ka sa mga pambato ng sariling region, say taga Region 3 ka, kakampihan mo mga kapwa taga Region 3 - kahit anong probinsiya pa siya.  Sa patimpalak sa labas ng bansa, siguro nararapat na simulan na rin ang ganyang kaisipan, na matapos kampihan ang ating pambato, sunod na kampihan ang ating mga kapitbahay sa ASEAN.

Anyway, tingnan na lang natin sino ang uuwing luhaan sa January 25.








No comments:

Post a Comment