Mary Jean Lastimosa, 27, PHILIPPINES !!!
or it could be:
Mary Jean Lastimosa, Tulunan, North Cotabato, PHILIPPINES !!!
Im sure madaming sangkabadingan ang magffile ng leave sa office para mapanood ang Miss Universe 2014 pageant sa TV on January 26 ng umaga (Philippine time). Kulang na lang siguro magpropose ng bill ang lahat ng bakla na gawing holiday ang mga dates na may international beauty contest para mapanood nila. In any case, inaabangan na rin talaga ang Miss Universe ngayong January.
Si MJ, as what lotsa people call her, ang magrrepresent ng PHILIPPINES sa Miss U sa Florida ngayong taon. Alam naman ng lahat na 3 times siya sumali sa Bb. Pilipinas: nanalo as isa sa mga runner up sa unang sabak, nagfeeling, sumali ulet, umuwing luhaan, umulit - nagwagi! Try and try ang peg. Nagbunga naman, in fairness. Pero this time kaya, siya na talaga ang hinihintay na maguuwi ng 3rd Miss U crown?
Sa ngayon sumasabak na siya sa mga kung anu-anong mga activities sa Doral (Florida, USA). There is a certain "Latina Vibe with a twist of Asia" so to speak. We'll never know how she will end the beauty conquest but for sure she will put up a good fight.
May chance nga kaya?
Para sa akin, hindi ko masyado naaaninag ang korona sa kanya. Hindi ako nagpapakanega, nagsasalita lang based sa aking nararamdaman. Parang may kulang sa kanya para maiuwi ang korona. Maganda siya, oo, pero di masyado katangkaran. Pero ang height naman di naman yun assurance na magpapapanalo sa isang kandidata. Facially, she has the makings of a Miss Universe - malaki ang bibig para sa isang ear-to-ear smile, makinis, pero ang mga mata niya parang hindi masyado expressive. Parang kulang sa connection. Based lang yan sa pictures na nakikita ko. Then again, hindi natin masasabi kung ano ang magiging performance niya sa preliminaries at sa finals. Importante ang magiging performance niya sa Prelims dahil dito malalaman ang pasok sa top 16 or top 12 or kung anong top man maisip ng MUO.
Kung hindi man masyado kagandahan ang performance niya sa Preliminaries, anjan ang Fan Vote that will propel her to the Semifinals. Jan kelangan ng supporta ng buong madla na may email address.
Basta lang ba papasok siya sa Top 10 or Top 12 or Top 15, sa tingin ko makakaya na niyang makapaguwi ng isa pa ulit na Runner Up or, fingers crossed, ang Miss Universe crown. Support support din pag may time.



No comments:
Post a Comment