Wednesday, December 31, 2014

2015 Na !!!


Happy New Year !!!



Bye bye Horse, Hello Sheep/Goat/Ram !!!
Adios 2014, Hola 2015 !!!
Happy New Year !!!

I don't wanna deal with predictions and luck - manood na lang kayo ng TV dahil for sure sa unang linggo ng taon, lahat na lang ng palabas sa TV may manghuhula, may Feng Shui expert na magg-guest.

Anyway, kelangan pasalamatan si God sa mga blessings sa 2014.  Pasalamatan din naman natin siya sa mga kabwisitan na nangyari sa 2014 - lalo na kung nalagpasan mo ang lahat ng mga bwisit last year.  It makes a lot of sense, right?! - to thank God for both the good and the bad things that happen.

All of us wants to wish 2015 to be a better year - mroe fortune, good health and love,love, love!
We'll see what's in store for us this year.

happy New Year ulet!  :)

Hullabaloo ng MMFF 2014 ?

The 2014 Metro Manila Film Festival movies.
I heard there were people who are not in favor of the MMFF 2014 winners. I wonder why. Bakit nga ba?!

- dahil ba di nanalo si Vice Ganda as Best Actor?
- dahil ba di rin nanalo agn Feng Shui?
- dahil maganda daw ang Benjamin movie ni Vice Ganda?

Ang iba naman nagtaka bakit nga di nanalo ang movie ni Vice at Kris Aquino when in fact both movies are reaping in the box office.

Humay Ghawd naman to the people! Such things are not really new in this country - that whoever wins are said to have won because there were polical moves or motives behind.

That winners win not for their own merit but for some behind-the-scenes action. That is such a sad feat for any winner. But then again, nobody really knows what happened behind the scenes. A lot of people over react. A lot of people claim that their favorite movie or actor/actress was robbed of the rightful award. Whew. Who are these people anyway?!

Sorry if there are people who might be offended, but, i guess, these are the people who don't think a lot and people who either do not believe or are not contented with explanations; people who are "die-hard" fans who are blinded by fanaticism and therefore do not think logically.  Hey, I am not saying I am perfect, I am logical, I am intelligent. I just happen to look at things in a different light - and shut up if need be.

The MMFF Committee and Judges have set criteria when looking at the entries. They may look at the storyline, the technicalities of the movie - from the lights, the editing, the set/production design or what have you, or maybe historical significance. The winners clearly at the calibre that may have fallen under such technical excellence among the entires this year. While some movies go for the technical aspect, some may be after the Box Office returns. In the case of Bossing, Lotus Feet and Benjamin, they have their rightful places in the Box Office. They are winners in that category. What else can the fans ask for?

Wether one agrees with me or not, some MMFF movies are really trashy, tasteless, corny - expecially the comedy movies. Yet it so hard to make people laugh (so actors may be considered for an acting award), admittedly, there are things that are just way better than making people laugh - perhaps convincing people that they are indeed living in the life that they are portraying.

In any case, the success of the MMFF 2014 is unstoppable. With or without those complaints and controversies, this film fest remains to be the only event that livens up the seemingly dying Filipino Film Industry.

Sunday, December 28, 2014

MMFF2014 Winners

BIG Winners in the recently concluded MMFF 2014 Awards Night
Natapos na naman ang Metro Manila Film Festival.  Wala pa akong napapanood na movie kahit isa.  Ayan nga may mga nanalo na ng mga awards. See list below1.

  • New Wave Student Short Film Special Jury Prize: Kalaw
  • Best Float Award: Bonifacio: Ang Unang Pangulo
  • Youth Choice Award: Bonifacio: Ang Unang Pangulo
  • Best New Wave Film: Magkakabaung
  • New Wave Best Supporting Actor:Kristopher King, Maratabat (Pride and Honor)
  • New Wave Best Supporting Actress:Gloria Sevilla, M. Mother's Maiden Name
  • Best New Wave Film Director: Jason Paul Laxamana, Magkakabaung 
  • New Wave Best Actress: Zsa Zsa Padilla, M. Mother's Maiden Name
  • New Wave Best Actor: Allen Dizon,Magkakabaung 
  • New Wave Special Jury Prize: M. Mother's Maiden Name
  • New Wave Best Picture: Jason Paul Laxamana, Magkakabaung
  • Best Child Performer: Ryzza Mae Dizon,My Big Bossing
  • Best Festival Sound Engineering: Wild Sound, Bonifacio, Ang Unang Pangulo
  • Best Musical Score: Von de Guzman,Bonifacio, Ang Unang Pangulo
  • Best Original Theme Song: Bonifacio, Ang Unang Pangulo
  • Best Makeup: Kubot: The Aswang Chronicles 2
  • Best Visual Effects: Mothership Inc., forKubot: The Aswang Chronicles 2
  • Production Design: Ericsson Navarro,Kubot: The Aswang Chronicles 2
  • Best Editing: Marya Ignacio, English Only, Please
  • Best Cinematography: Carlo Mendoza,Bonifacio: Ang Unang Pangulo
  • Celebrity face of the night, sponsored by Erase: Nadine Lustre
  • FPJ Memorial Award for Film Excellence: Bonifacio, Ang Unang Pangulo
  • Best Original Story: English Only, Please
  • Best ScreenplayEnglish Only, Please
  • Best Director: Dan Villegas, English Only, Please
  • Best Supporting Actor: Joey Marquez,Kubot: The Aswang Chronicles 2
  • Best Supporting Actress: Lotlot de Leon,Kubot: The Aswang Chronicles 2
  • MFFF Highest Commemorative Award:Joseph Estrada
  • Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award: Bonifacio: Ang Unang Pangulo
  • 3rd Best Picture: Kubot: The Aswang Chronicles 2
  • 2nd Best Picture: English Only, Please
  • Best Picture: Bonifacio: Ang Unang Pangulo
  • Best Actor: Derek Ramsay, English Only, Please
  • Best Actress: Jennylyn Mercado, English Only, Please

Saturday, December 27, 2014

Isang Nakakabwisit na Thank You

Thank you.
Thank you.
Thank yo Thank you ang babait ninyo.

This song is probably this year's Christmas Song of the Year.  Why not?! Catchy melody, easy to remember lyrics, simple yet meaningful message.

Simple as it is, parang matindi naman ang tama at kurot sa puso.  Simple words lang ang "Thank you" pero Im sure madami ang matutuwa pag nasabihan ng "Thank you!"

So before the year ends, kelangan natin magpasalamat sa lahat ng kabwisitan na pangyayari sa buhay.

Sa bwisit na mga isyu sa bansa na nagpamulat sa atin sa kapangitan ng bansa at sa pagiging focused sa pulitika ng mga namumuno.
Thank you sa mga bwisit na nagrarally sa lahat ng isyu about sa gobyerno dahil kung wala sila, di mapapansin ang isyu - though aminin naman nating minsan OA na sila. LAHAT na lang ng isyu against sa kanila. Nakakapeste lang.
Thank you sa mga bwisit na boss sa office na either walang alam sa product or laging absent or laging late at laging nagpapabibo sa mga manager.  Kung wala sila wala tayong pagcchismisan.
Thank you sa mga epal na katrabaho na nakikipagcompete ng stats, naghahanap ng mali sa gawa ng iba instead na itama ito.  Kung wala sila eh aba di tayo magsisikap.
Thank yoi sa nakakabwisit sa payroll na hindi regular ang oras ng crediting. Tipong manghuhula ka kung ano oras ipapasok instead na gawing regular na oras kada kinsena.  Kung di dahil sa kanila, di natin magawang mameorize nang mabilis ang password ng atm or di tayo nakagawa ng online account sa banko.
Thank you sa mga nakakabwisit na kapitbahay na palagi nagaaway or nagvvideoke kaya di tayo makatulog nang maayos sa umaga or gabi.  Dahil sa kanila, na appreciate natin ang tulog kapag tahimik ang paligid.
Thank you sa baliw na roommate or housemate dahil kung di dahil sa kabaliwan niya, di natin ma apprciate ang ating sanity.
Sa mga insecure at panget, Thank you at ganun kayo...dahil nalaman kong may mas papanget pa sa akin.

Ano pang nakakabwisit na bagay ang pasasalamatan mo at bakit?

Friday, December 26, 2014

Just A Random Thought 1.0

I have mastered the art of transparency when I am angry, irritated or happy – but never the art of being transparent in times of need. It has never been my forte to ask help to people that I know because I do not want to be a burden to them. But there are those who are sensitive enough to see beyond my smile and happy exterior. Thank you.

ALL ABOUT DEATH


Death is a race. It is the only race in this world where nobody wants to be first. It is the most unpredictable race – nobody knows who goes first. It is the only race where even if you are the last to die, you will never get to celebrate victory. Death is a bitter-sweet event. The bitterness comes from remorse, sadness and longing. The sweetness comes from the thought of release from suffering, the thought of a happy and contented life the deceased had lived. Bitterness is physical, sweetness is an emotional state. One can never understand what it feels like to live in a life when somebody close your heart passes away. They say experience is the best teacher – but, having to deal with death is probably the experience that nobody wants to go through. People can pour in condolences and encouraging words, but the feeling of relief, admittedly is temporary. The need to fill in the longing is a lifetime.

TUWID ang DAAN


PNP Chief Alan Purisima - on hot seat

One of the many faces of the MRT.
Nakakairita lang isipin na lagi na lang pinagmamayabang ng pangulo ang “tuwid na daan” na dinadaanan ng kanyang pamunuan. Sino nga ba naman ang di maiirita kung mejo napaghahalata naman na ang mga kalaban lnag niya sa pulitika ang tinitira, pero ang mga kaalyado palging pinoprotektahan? Sino ang nakalimot sa Yolanda kung saan napakabagal ng pagdating ng tulong galing sa gobyerno – na nauunahan pa ng mga foreign aid? Nakaktawa lang isipin na sa gitna ng kalamidad at pagdurusa ng mga taga Tacloban ay isang burukrasya pa ang madadatnan ng mga nais tumulong na galing sa ibang bansa. Nakakapagtaka isipin na ang laki ng pera na nakalap mula sa mga foreign pledges and aid ngunit isang taon makalipas ang trahedya, parang hindi pa rin masyado nararamdaman ang lubusang pagbangon ng Tacloban? Sino ang nakakaalala sa bangayan nina Romualdez at Roxas sa mga panahong iyon? Ang pananalita ni Roxas na para bang sinisisi pa ang local government sa kakulangan sa paghanda noong mga panahong iyon na nagdulot ng pagkasawi ng liu-libong buhay. Nakakainis isipin na alam niyang pati ang local government ay apektado rin sa trahedyang iyon. Nasaan na ang Tacloban ngayon? Malamang nasa Visayas pa rin, pero ano na nga ba ang kalagayan ng mga biktima ni Yolanda? Bakit naroroon pa rin ang barkong sumadsad sa dalampasigan at di pa rin natatanggal? Nasaan na ang mga pinapangakong pabahay? Bakit ba tila ang bagal pa rin ng pagbangon ng Tacloban kahit na milyun milyon nag nalikom na donasyon mula sa ibang bansa? Nasaan na ang pera? Bakit kailangan na ang national Government pa ang mamahala sa pagbangon ng Tacloban gayung mas nakakaalam ang local government sa pangangailangan ng mga nasasakupan? Ano pa nga ba ang masasabi ng mga tao sa kinakaharap na kontrobersiya ng Chief PNP ngayon? Ang kapal nga naman ng mukha ng opisyal na magsabing wala siyang tagong yaman or di siya nakinabang sa posisyon gayung kitang kita naman ang ebidensiya. Kaliwa’t kanan ang mga patunay ng kanyang pagaabuso sa kaban ng bayan pero ang pangulo pa ang nagtatanggol sa kanya. Ito nga ba ang tuwid na daan? Alam naman ng lahat ang close relationship ng pangulo at ng chief PNP. Nagsimula ito sa panahon ng dating Pangulong Corazon Aquino. Di nga naman nakapagtataka na ipagtatanggol ng pangulo ang kaibigan – subalit, sa interes ng bayan, ito nga ba ay naaayon sa tuwid na daan? Ang mga pasaring ng pangulo sa nakaraang mga administrasyon ay walang katapusan. Para bang sa bawal public forum/speech niya ay may naririnig kang pasaring o paninisi sa nakaraang administrasyon. Para bang sinsabi niyang ang lahat ng problema niya ay dahil sa mga nagawa ng nakaraang administrasyon. Bakit nga ba sa halip na solusyunan nag problema at maging accountable nito, kailangan bang ipaalam sa lahat na hindi siya ang nagpasimula ng problema? Nakakarindi na ang mga sinasabi niyang pasaring – the same way as nakakarindi na rin ang lagi niyang pinagmamalaking tuwid na daan. I don’t take a train when I go to work but I have definitely tried riding the MRT. It is indeed the fastest way to get to Makati or Taft Ave coming from Quezon City. I was in college when the MRT opened. If I can remember it right, it’s initial journey was only up until the Shaw Station. Then when it became fully operational, it stretched all the way to Taft Ave from North EDSA for only 15 pesos. Again, I was in college then. That was over 10 years ago. It is a shame that until now, the fare remained at 15 pesos. Shame, because after more than 10 years, the MRT system now has a lot of maintenance issues. Yet it is true that it is the government’s responsibility to provide an effective transport system vis-à-vis providing an effective and efficient railway system like the MRT, still, the public, especially those who patronize the MRT, has a fair share in it’s maintenance and upkeep. I can only surmise, had the fare been increased before, then it may not succumb to the maintenance issues it is facing right now. I guess 15 pesos for the past 10 years is just too much to bear for a government who has a lot of other things to tend to. Now that there is news that its fare will definitely go up before 2015, people start to complain – that it is too much. Maybe they did not realize that much that it has been too long since that 15 pesos fare started. Other than the maintenance issue, there is also a question on the government subsidy, as only people in Metro Manila who patronize the MRT enjoys it. People from the Visayas and Mindanao do not patronize it but they are also worthy of government support. If only the government subsidy is decreased thus a fare increase, then those extra government funds could have helped the other aspects of governance.

TAMBAY NURSE


Thousands of nurses pass the Board Exam and take their oath.  How many can land a job?
Andami daw nurses – take note, licensed nurses, na walang trabaho. Kawawa naman. Kung hindi jobless, maling job ang napasukan. Kawawa naman. May iba naming may work nga, sobrang liit naman ng salary. Kawawa naman. Bakit nga ba ganun? Eto ang ilan sa mga “maybe” list ko: Palakasan. Hindi ito sports. Ito ay ang sistemang padrino o kakilala aka backer system. If may kakilala ka, pasok ka, if mas mataas ang posisyon ng kakilala mo, pasok ka. Ganun. So yung ibang may kakayanan sana pero walang kakilala, di nabibibgyan ng chance na makapagtrabaho sa ospital. Sorry na lang sila. Too Many. Too many nurses kasi too many promises kasi. Aminin na nating karamihan sa mga nagnursing ay gusto pumunta sa ibang bansa. Di naman masama ang mangarap eh…. Abroad, siyempre. Pero nagkataon lang siguro na sa panahong natapos na sila, ayan na…ang dami na nila bigla. Di ka naman tatanggapin sa ibang bansa kung walang experience. Di ka naman makakakuha ng experience kung dahil sa palakasan. Nganga. BPO Pride. May pag asa pa naman sana magtrabaho ang mga nurses – sa BPO Industry. Booming kaya ang Healthcare sa BPO. Naghahanap sila ng mga registered nurses para sa mga healthcare processes abroad na dinadala na sa Pilipinas. Yun nga lang – ang ilang graduates ay masyadong ma-pride. Ayaw magtrabaho as BPO. Minamaliit masyado ang BPO industry. Gusto nilang magtrabaho at magamit daw ang napagaralan nila – as If naman di nila magagamit yun sa mga BPO company. So ang ending – jobless. RingRing. Pakisagot ng telepono. Yan lang ata ang alam ng ibang graduates pag nabanggit ang “BPO” – call center. Naturingan pa naman sanang graudate, masyado naming limited ang kaalaman sa ibang bagay. Pasensya na pero hindi lahat ng BPO ay puro call center lang, or taga sagot ng inquiries ng mga customer. Ang daming mga processes sa isang negosyong may patungkol sa healthcare – hindi lang pagsagot ng tawag. Kaya utang na loob lang sana sa iba, lawakan ang research para madagdagan ang kaalaman. Buksan ang isipan. Development. Ayan, ito naman ay hindi nakakasama, kasi nakabubuti ito sa individual. Ang ibang nurses na walang trabaho ay maaaring nagaaral ulet – be it Masters, or ibang field, or nagrereview ng mga licensure exams at iba pa. Ang saya lang. Mabuti ito para sa improvement ng sarili at sa magiging career sa field. Maaring magpapataas ng chance ito na makakuha ng trabaho. Do Not English My Body. OMG. Hindi nga naman masusukat ang kakayahan ng isang tao sa mga iilang sentence ng English – pero, kailangan ang kasanayan sa wika na ito dahil ito ang unang hakbang bago makapasok sa trabaho – job interview. Hirap ang ilang graduates na magarticulate ng salita sa English. Simpleng “Describe yourself” ay hirap pang sagutin nang maayos. Nakakaloka. Nakakalungkot. Natuturingan pa naman sana na graduate. Mas dinadaing pa ng ibang di nagtapos kung makipagsabayan sa English. Sad lang kasi. Sayang eh. Kung nagsasanay lang talaga sila magsalita ng English, e maybe mas madali makapasok sa trabaho. Maybe may iba pang reasons. Di natin alam. If you have something to add then GO! Comment.

MY LAUDE THOUGHTS



Sa totoo lang, naaawa ako sa napaslang na si Jennifer Laude at sa pamilya niya – pero kung nakikisympathize ako sa kanila? I don’t think so. Oo nga naman, gusto ko rin ng katarungan sa pagkamatay niya – dahil isang malaking crime ang pagpatay – pero kung iisipin ako ang isang anggulo – kung bakit siya namatay – jan tayo nagkakatalo. Naiirita lang ako sa mga nagsasabing, huwag siya husgahan dahil hindi ko naman siya kakilala. Partly true. But I don’t buy that reason. Una sa lahat, yung pahayag ng kapatid niyang ayaw niyang pumatol sa Pinoy na lalaki dahil hindi siya tanggap ako peperahan lang. Mas mainam pa ang mga foreigners kasi tanggap daw siya kung ano siya. Double standards, generalization, and, to a certain extent, foreigners are perceived to have lots of money so chances are, they can part take in the foreigner’s funds. To say it blatantly, siya ang mamemera instead of siya ang peperahan. Pangalawa. May jowa kang tao sasama sama ka sa iba? Yeah, di nga naman siya prostitute – but you can’t deny the fact that she was unfaithful. Sa kultura ng pinoy, hindi vinivindicate ang mga nangangaliwa. Ang pagiging unfaithful niya ang nagging dahilan ng kamatayan niya. So be it. I do not hate her. I am not laying judgement on her. I just don’t wanna hear crap na para bang napakalinis ng taong yun. Again, I wanna see justice served.


Joseph Scott Pemberton - the accused

Jennifer and her german boyfriend


MAKATI in my MIND

Yes, binoto ko sa Jejomar Binay nung tumakbo siya as VP. E ano ngayon, e naiwala ako kakayahan niya – na kaya din niya gawin sa buong Pilipinas ang ginawa niya sa Makati. I was wrong. Ang ganda kasi ng Makati…well, at least maraming bahagi ng Makati. Ang ganda ng mga benepisyo ng mga tao, libre education, may health benefits, may mga stuff for Senior Citizens. Parang too good to be true ang mga benepisyo ng pagiging taga Makati. Siyempre, ninanais mo rin na mangyari ito sa buong bansa. Pero after 4 years, parang wala naming nangyari. Lalo lang nahalata ang ambisyon ni Binay na mamuno sa bansa bilang Presidente. Ang layu-layo pa ng election, nangangampanya na. Nakakairita lang. Eto pa at nahahalungkat na ang mga itinatagong baho ni Binay. Alam naman ng lahat ang pinakabagong controversy ni Binay ngayon – ang Building na over-proced daw, at ang mga tagong yaman sa may Batangas. In spite all of the hullabaloo, the Vice President remained silent. In spite the Senate invitation during the hearings, he refused to air his side – but instea, called for a Press Conference which was supposed to explain his side of the story. I saw that presscon – and what he said was not something new. It wasn’t more of an explanation, it sounded like – an election campaign speech. Yet silence can be strong indication that he might not be doing anything wrong – BUT – too much silence could mean otherwise. Yes, tama naman na kung wala kang ginagawang masama, kaya mong humarap kahit kanino, kahit saan at kahit anong oras. Sad. Pero, gusto ko pa rin bumalik sa Makati. Saludo pa rin ako sa mga benepisyo na natatamasa ng mga tao doon. Sa Makati pa rin ako boboto sa susunod na election. Binay for President? No, I don’t think so.