Wednesday, August 26, 2015

Ang BOC at ang Kahon

The Balikbayan Box appears to be synonymous to the terms "OFW" or "Pinoy abroad" and more often than not, means pasalubong or regalo.

Hindi ko lang talaga mawari ang extreme na pagiisip ng Bureau of Customs na nagging kadikit sa Balikbayan Box ang Smuggling, Illegal Drugs, Contraband.  Aminin.  Mas synonymous pa ang word na "Customs" sa mga katagang "mayayaman" or "ninakaw at binenta" or "bentang galling Customs" - all of which are - of course, negative.  Nakakahiya naman sa kanila di ba?!

Tapos - eto nga, pinapabuksan ng Customs ang mga Balikbayan boxes. Random man yan o hindi, bubuksan pa rin.  Ano pa nga ba ang iisipin ng mga tao?!  Dagdag pagkakakitaan na naman ito sa mga taga Customs dahil may maibebenta na naman sila.  Better yet, meron na naman silang mahuhuthutan. Negative.

Masisisi mo ba ang mga tao?

Malamang hindi - dahil matagal na ang negative na connotation ng Bureau of Customs. Magbabago pa ba yan?  Maybe - pero matagal.  But for now, nakakahiya naman sa kanila.
 

No comments:

Post a Comment